Kamara, hiniling na gawing visa-free entry na ang mga Pilipinong tutungo ng Japan

Inirekomenda na alisin na ang visa para sa mga turista at manggagawang Pilipino sa Japan.

Ilan lamang ito sa mga napag-usapan sa ginanap na pulong sa pagitan nila Ways and Means Chairman Joey Salceda, Japanese Embassy officials Minister for Economic Affairs Mr. Masahito Nakata at Finance Attaché of the Embassy of Japan Mr. Kotaro Yamaguchi.

Ayon kay Salceda, aktibo niyang ikinakampanya ang bansa sa mga dambuhalang investors sa Japan para mamuhunan sa Pilipinas bunsod na rin ng tax incentives sa ilalim na rin ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act.


Idinulog niya sa mga kinatawan ng Japan na gawing visa-free entry ang pagpunta ng mga Pilipino sa nasabing bansa lalo na sa mga turista at mga manggagawang Pinoy.

Nabatid din sa pulong na interesado rin ang Japan na mag-invest sa bansa partikular sa infrastructure development.

Iginiit din niya ang pangangailangan natin sa kaalaman, teknolohiya at researchers ng Japan.

Kumpiyansa ang kongresista na positibo ang Japan sa naganap na pulong dahil ang interes ng dalawang bansa sa isa’t isa ay magkakaugnay.

Facebook Comments