Kamara, hiniling sa national government, LGUs, public at private sector na magtulungan laban sa climate change

Umapela ang ilang mga kongresista sa Kamara na magtulungan na ang pamahalaan, Local Government Units (LGUs) gayundin ang public at private sector kaugnay sa matinding epekto ng climate change.

Kasabay nito ang panawagan ng Kamara na magsilbing “wake-up call” ang pinsalang iniwan ng Bagyong Agaton kung saan sumampa na sa 172 ang mga nasawi.

Tinukoy pa na dapat habang maaga ay nasimulan na ang community, social, at economic recovery efforts lalo na sa mga magsasaka at mga mangingisda na matinding sinira ng bagyo ang kanilang mga kabuhayan.


Muling ipinakukunsidera ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang “whole-of-nation and whole-of-society” na pagharap sa mga hamon na dulot ng pagbabago ng klima.

Punto ng Kamara, ang bawat isa sa atin ay may nakaatang na responsibilidad para tugunan at maibsan ang epekto ng climate change.

Kinakailangan ding maging proactive at nagkakaisa sa pagtugon sa mga banta ng climate change dahil ang mga “piecemeal responses” o pira-pirasong pagtugon ay mangangahulugan ng mas maraming casualties at dobleng paghihirap sa mga kababayan.

Facebook Comments