Nanawagan si 1-Rider Party-list Representative Rodge Gutierrez sa Senado na ipasa na agad ang panuklang Motorcycle-for-Hire Act na ipinasa ng House of Representatives noong July 2024.
Apela ito ni Rodriguez sa harap ng nalalapit na pagtatapos ng pilot study program hinggil dito kasabay ng pagsasara ng 19th Congress sa Hunyo kaya kung walang maipapasang batas ay mawawalan ng trabaho ang mga nasa motorcycle for hire.
Tinukoy ni Rodriguez ang ang pahayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nakasalalay ang trabaho ng 60,000 motorcycle taxi riders sa pagsasabatas ng Motorcycles-For-Hire Bill.
Dagdag pa ni Gutierez, ang panukala ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pahusayin ang transportasyon sa buong bansa.