Pinagtibay ng Kamara ang isang resolusyon na naghihimok sa Commission on Elections (Comelec) na magsagawa ng special elections sa ika-pitong distrito ng Cavite upang punan ang nakabakanteng pwesto ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla.
Inilahad nina House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez at dalawa pang mambabatas ang House Relation 100 kaugnay sa special elections na siya namang inaprubahan via voice vote.
Sa ilalim kasi ng Republic Act 6645, minamandatong magsagawa ng special election kapag nabakante ang isang pwesto sa Kamara isang taon bago isagawa ang susunod na regular session para sa miyembro ng Kongreso.
Batay naman sa Republic Act 7166, dapat magsagawa at magdaraos ng special election upang punan ang nabakanteng pwesto nang hindi lalagpas sa 90 araw matapos nabakante ito
Noong Martes lamang ay idineklarang caretaker si Speaker Romualdez ng Cavite 7th District kasunod ng pagkakasama ng kinatawan nito sa gabinete ng Marcos administration.