Kamara, humiling ng dagdag na pondo

Humihirit pa ng dagdag na pondo ang Kamara para sa susunod na taon.

 

Sa pagsalang sa budget deliberation ng Congress of the Philippines, sinabi ni House Committee on Accounts chairman Bambol Tolentino na kulang ang P14 billion na alokasyon para sa mababang kapulungan sa 2020.

 

Hiling ni Tolentino, dagdagan ang pondo ng Kamara ng P1.6 Billion.


 

Katuwiran nito sa hirit na dagdag na budget ay dahil nadadagdagan ang deputy speakers, vice chairmen ng mga komite at maging ang mga komite ng Kamara.

 

Lumaki rin ang bilang ng mga miyembro ng Kamara bukod pa sa 4,000 empleyado nito.

 

Nabuo rin ang budget proposal noong hindi pa nagbobotohan ng speaker kaya hindi pa naikukonsidera dito ang magiging dami at organisasyon ng House leadership.

Facebook Comments