Manila, Philippines – Ibabalik na ng Kamara ang budget ng Commission on Human Rights (CHR), Energy Regulatory Commission (ERC) at National Commission on Indigenous Peoples (NCIP).
Nabatid na tig-1,000 pesos lamang ang inilaang pondo para sa tatlong ahenya dahil sa hindi natupad na tungkulin.
Ayon kay House Appropriations Chairman Karlo Nograles – nagbigay na ng go signal si House Speaker Pantaleon Alvarez.
Paliwanag ni Nograles – umapela ang tatlong ahensya sa kanya at kay Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas.
Pero ang pagbabalik ng pondo ay may kaakibat na kondisyon dapat palawakin ng chr ang imbestigasyon nito bukod sa human rights violation na sinasabing ginawa ng estado.
Kasama din dapat ang mga grupo na umaapi sa mga pilis, militar at sibilyan.
Nangako naman ang ERC at NCIP na lalaban ang katiwalian sa kanilang opisina at ipatutupad ang kanilang tungkulin.