Kamara, iginiit na walang kickback sa AKAP

Tiniyak ni House Appropriations Committee Chairman at Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co na malinis at walang bahid-katiwalian o walang “kickback” sa Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP).

Binigyang diin ni Co na ang AKAP ay isang proyekto para sa mga Pilipinong may trabaho ngunit nananatiling mahirap at ang pondo nito ay hindi maituturing na pork barrel.

Paliwanag ni Co, ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang humahawak ng pondo ng AKAP at tumutukoy ng mga benepisyaryo.


Sabi ni Co, ang alokasyon sa AKAP ay diretso sa tao at DSWD na ang siyang namamahala kaya malabo na ito ay mapunta sa katiwalian.

Dagdag pa ni Co, binuo ang AKAP bilang tugon sa mga hinaing ng mga minimum-wage earner gaya ng food service crew at Grab drivers na hindi kwalipikado sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Facebook Comments