Kamara, iimbestigahan ang mga totoong tao sa listahan ng mga tumanggap ng confidential funds ni VP Sara

Iimbestigahan ng House of Representatives ang mga totoong tao na nakatanggap ng confidential funds mula sa Office of the Vice President at Department of Education (DepEd).

Ayon kay House Deputy Majority Leader Paolo Ortega V ng La Union, base sa record ng Philippine Statistics Authority, totoong tao ang 942 na pangalan na nasa acknowledgement receipts na isinumite ng OVP at DepEd sa Commission on Audit.

Inihayag ito ni Ortega sa harap ng humahabang listahan ng mga kadu-dudang pangalan na pinagbigyan ng 612.5 million na kabuuang halaga ng confidential funds ni Vice President Sara Duterte.

Sa tingin ni Ortega, may “mastery” o sanay na ang opisina ni VP Sara sa pagpapatakbo ng proseso o sistema kagunay sa confidential funds sinasadya man nila o hindi ang paggamit ng code names o alyas.

Facebook Comments