Kamara, iimbestigahan ang paggamit ng mga drug users sa express delivery service sa pagdedeliver ng droga

Manila, Philippines – Magsasagawa ng moto propio investigation ang House Committee on Dangerous Drugs kaugnay ng paggamit ng mga drug pushers sa mga express delivery service sa paghahatid ng ipinagbabawal na gamot.

Ayon kay Committee Chairman Surigao del Norte Rep. Ace Barbers, dapat ay magkaroon ng polisiya ang mga delivery services tulad ng Uber at Grab upang malaman kung iligal ang ipinapadala sa kanilang mga rider.

Dapat malinaw sa polisiya kung ano ang pinapadeliver na bagay upang hindi magamit sa mga iligal na gawain.


Batay sa Philippine Drug Enforcement Agency, ginagamit ng mga drug pushers ang door step delivery ng Grab at Uber para hindi sila mahuli.

Mababatid na nahuli sa isang buy bust operation sa condominium unit sa Mandaluyong City ang transport network vehicle services driver na si Jovet Atillano, 32, matapos na matuklasan ang droga na itinago sa package na ipinadala sa driver.

Facebook Comments