Ikinokonsidera na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagpapaliban sa unang regular elections sa Bangsamoro Autonomous Region for Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon kay Majority Leader Martin Romualdez, agad na tatalakayin ang pagpapaliban sa BARMM election pagkatapos ng State of the Nation Address (SONA) sa July 26.
Narinig naman na aniya ang panig ng lahat kaya hihintayin na lamang nila ang committee report ng House Committee on Electoral Reforms para sa rekomendasyon at para alam din ang gagawin sa postponement.
Aminado rin ang kongresista na malaking hamon sa pagsasagawa ng eleksyon sa BARMM ang kawalan nito ng Electoral Code.
Nakasaad sa batas na ang halalan sa BARMM ay sabay sa national elections sa May 2022.
Magkagayunman, ilang panukala sa Kamara at Senado ang inihain na nananawagan sa pagpapaliban ng regional polls sa 2025 bunsod na rin ng pandemya.
Samantala, tinukoy naman ni Special Committee on Peace, Reconciliation and Unity Chairman Esmael Mangudadatu na sa mga nakalipas na pagdinig sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro, naungkat na kailangan pa ng sapat na panahon ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) dahil na rin sa pinsala at aberyang idinulot ng COVID-19 pandemic.