Hinikayat na ng liderato ng Kamara na gamitin na ng Department of Health (DOH)ang available funds nito para sa paglalatag ng contingency measures laban sa Novel Coronavirus.
Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, dapat nang kumilos ang DOH sa pagpapatupad ng contingency measures upang matiyak na lahat ng mga medical facilities at hospitals ay kumpleto sa kagamitan at handang tugunan ang pangangailangang medikal ng publiko.
Hinimok din ni Cayetano ang mga LGUs na imonitor ang kanilang pamayanan at ipagbigay alam agad kung may suspected cases ng N-CoV.
Hihilingin na rin ng Kamara na dagdagan ang pondo sa health research at pondo para sa improvement at capacity ng mga health facilities partikular sa mga lalawigan.
Pag-aaralan na rin ng house leadership ang pagtatatag ng Disease Prevention and Control Center in the Philippines bilang long-term solution hindi lamang sa N-CoV kundi sa iba pang maaaring umusbong na communicable diseases.
Iginiit rin ni Cayetano ang taimtim na pagdarasal para sa sambayanan at sa bansa na mailigtas sa nasabing sakit.