Kamara, inihahanda na ang mga pasilidad na gagamitin sa huling SONA ng Pangulo

Ilang araw na lamang bago ang nakatakdang huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 26 ay nakahanda na ang mga pasilidad na gagamitin sa Kamara.

Nakalatag na ang mga red carpet sa North at South wing na dadaanan ng mga bisita papasok sa plenaryo gayundin ang red carpet sa rare entrance na papasukan naman ng Pangulo pagdating nito sa Batasang Pambansa.

Kasalukuyan namang inaayos ang mga mesa at upuan sa plenary habang ang mga upuan sa first at second gallery ay nilalagyan ng tanda at hinihiwalay na para sa pagsunod sa physical distancing.


Patuloy naman ang disinfection sa mga gusali ng Batasan Complex partikular sa mga lugar na dadaanan ng mga bisita.

Sa darating na Lunes ay inaasahang aabot sa 350 ang mga bisitang dadalo sa huling SONA ng Pangulo kasama na rito ang mga senador, kongresista, mga myembro ng gabinete at iba pang VIPs.

Facebook Comments