Kamara, ipaprayoridad sa pagbabalik sesyon ang pagapruba sa panukalang pagkakaroon ng diborsyo sa bansa

Inaasahan ng Gabriela Partylist sa Kamara ang mabilis na pagapruba sa panukalang diborsyo sa bansa.

 

Ito ay kasunod ng pahayag ng House Committee on Population and Family Relations na gagawing prayoridad ang pagtalakay sa mga panukalang nagsusulong na gawing ligal ang diborsyo sa Pilipinas.

 

Ayon kay Gabriela Rep. Arlene Brosas, may-akda ng House Bill 838 o divorce bill, long overdue na ang pag-apruba sa nasabing panukala.


 

Dumaan na anya ito sa napakahabang deliberasyon simula pa nang una itong maihain noong 13th Congress.

 

At dahil lumusot na ito sa Kamara noong nakaraang Kongreso, sinabi ni Brosas na dapat magkaroon na lang ito ng isang hearing sa komite alinsunod sa Section 48 ng House Rules.

 

Sa ilalim ng panukala, magkakaroon na ng mas murang option sa pagpapawalang-bisa ng kasal ng mga magasawang hindi na maayos ang pagsasama at nakakulong sa mapangabusong relasyon.

Facebook Comments