Kamara, ipina-uubaya na sa DOJ at ICI ang mga susunod na hakbang para kay dating Congressman Zaldy Co

Bahala na ang Department of Justice (DOJ) at ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa mga susunod na hakbang para kay dating Congressman Elizaldy Co.

Inihayag ito ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III matapos magbitiw si Co bilang kinatawan ng Ako Bicol Partylist sa House of Representatives.

Ayon kay Dy, dahil hindi na miyembro ng Kamara ay wala na silang hurisdiksyon kay Co.

Balewala na rin ang inihaing reklamo sa House Committee on Ethics and Privileges ni Navotas Representative Toby Tiangco laban kay Co.

Gayunpaman, hinihikayat ni Ethics Committee Chairman Rep. JC Abalos si Co na bumalik sa Pilipinas at harapin ang mga seryosong alegasyon kaugnay sa budget insertions at maanumalyang flood control projects.

Facebook Comments