Kamara, ipinatupad na ang "lock-out policy"; ilang kongresistang late sa sesyon, absent na sa record

Manila, Philippines – Ipinatupad na sa kauna-unahang pagkakataon ang lockout policy sa session hall ng Kamara para sa mga mambabatas.

Pangunahing layunin nitong madisiplina ang mga kongresista na dumating ng maaga para sa kanilang session.

Bago mag-alas kwatro ng hapon halos mapuno na ang session hall.


Agad nagsimula ang sesyon at nagsagawa agad ng roll call kasabay nito ay ini-lock din ang lahat ng pinto papasok sa loob ng plenaryo.

Dahil dyan ang mga kongresista na mahuhuling dumating ay hindi muna papapasukin habang nagro-roll call.

Pagkatapos ng roll ay papapasukin na ang mga nahuli sa pagpasok na mga mambabatas pero ang mga late na kongresista ay absent na ang ilalagay sa record ng attendance sa Kamara.

Kanina ay nasa 226 na kongresista ang present.

Habang ang ilan sa mga na-late naman at napagsarhan ng pinto ay sina Batangas Rep. Mario Mariño, Aurora Rep. Bellafor Angara-Castillo, Quezon Rep Trina Enverga,Sultan kudarat Rep Suharto Mangudadatu at Paranaque Rep Gus Tambunting.
Nabatid na una ng naglabas ng memo si House Majority Leader Rodolfo Fariñas para sa bagong patakaran sa roll call nitong buwan ng Mayo.

Facebook Comments