Isang linggong ini-extend ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang sesyon nito na magtatapos na sana sa Huwebes, June 4, 2020.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Cagayan De Oro Rep. Rufus Rodriguez na naghain na sila ng resolusyon sa Kamara para maipagpatuloy hanggang sa susunod na linggo ang kanilang sesyon.
Ito ay para maihabol ang pagpapasa sa iba pang panukalang batas para sa pagtugon sa COVID-19 crisis.
Kabilang sa susubukang ipasa ng Kamara ay ang Philippine Economic Stimulus Bill.
Nakapaloob dito ang P568-billion na pondo para tulungang makabangon ang mga Micro, Small at Medium Enter (MSME) businessmen, mga manggagawang nawalan ng trabaho, fisheries and farmers, turismo at mga estudyanteng apektado ng pandemya.
Facebook Comments