Manila, Philippines – Bubuo ang Kongreso ng Technical Working Group para sa panukalang amyenda sa Konstitusyon.
Napagkasunduan ng liderato ng Senado at Kamara na magtatag ng TWG na tututok sa mga amiyenda.
Ang TWG ay bubuuhin ng anim na senador at anim na kongresista.
Ayon kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas, gagawin nila ito kung hindi pa rin magtatalaga si Pangulong Duterte ng mga bubuo ng Constitutional Commission.
Ang pagbuo ng CONCOM ay iniutos ng Pangulo pero hanggang ngayon ay wala pa siyang pinapangalanan na bubuo ng lupon kaya hanggang ngayon ay wala pa ring draft sa amendments ng konstitusyon.
Facebook Comments