Kamara, kinalampag ng labor groups para ipasa ang panukalang ₱200 legislated wage hike

Sa pagbabalik ng session ngayong araw hanggang sa susunod na linggo ay kilos-protesta ang isinalubong sa Kamara ng mga miyembro ng ACT Teacher Party-list, at ng National Wage Coalition kasama ang iba’t ibang labor groups.

Kanilang ibinalandra sa labas ng South Gate ng Batasang Pambansa ang mga placards na nagsasabing dapat maisabatas na ang panukalang P200 na umento sa sahod sa panahon ngayon na walang ampat ang pagtaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.

Apela ng mga manggagawa sa Kamara, huwag biguin ang mahigit limang milyong minimum wage earners na halos apat na dekadang ng naghihirap sa kakarampot na sahod.

Ang proposed wake hike ay nakasalang pa sa ikalawang pagbasa kaya naman ilang kongresista ang nanawagan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na i-sertipika itong urgent upang magkaroon ng tsansa na maipasa bago magsara ang 19th Congress.

Facebook Comments