
Kinumpirma ni House of Representatives Spokesperson Atty. Princess Abante na nasa ibang bansa si Ako Bicol PL Rep. Zaldy Co.
Ayon kay Abante, nasa Amerika si Co para sa medical treatment at mayroon itong appropriate travel documents.
Sa ngayon ay yan pa lang ang detalye na hawak ni Abante.
Una na rito ay lumabas ang mga impormasyon na madalas absent si Co sa Kamara simula ng magbukas ang 20th Congress.
Si Co ang dating chairperson ng House Committee on Appropriations noong 19th Congress kaya nakakaladkad sya sa isyu ng insertions sa 2025 National Budget at iniuugnay din sya sa isyu ng flood control projects.
Facebook Comments









