Kamara, lalong magsisipag matapos makakuha ng mataas na rating

Ikinalugod ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang mataas na trust at performance rating na nakuha nito sa fourth quarter survey ng OCTA Research.

Bunsod nito nagpasalamat si Romualdez sa mga Pilipino, kaakibat ang pagtiyak na lalo pang magsisipag ang House of Represenatitives sa pagtalakay at pag-apruba ng mga panukalang batas na para sa kapakanan ng mga Pilipino.

Sa limang pinakamataas na opisyal ng bansa, si Speaker Romualdez ang nakapagtala ng pinakamalaking pag-angat sa trust rating at formance rating.


Sa kaparehong survey ay nakapagtala naman si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ng 76% trust rating habang sina Vice President Sara Duterte-Carpio at Senate President Juan Miguel Zubiri ay nakapagtala naman ng 77%, at 57% at si Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo ay nakapagtala naman ng 23%.

Ayon kay Romualdez, patuloy silang maglilingkod sa mamamayan ng may integridad, transparency at pananagutan para maiangat ang buhay ng mga Pilipino at makatulong sa pag-unlad ng Pilipinas.

Facebook Comments