Kamara, magbabalik sa face-to-face ang session at committee hearings oras na mai-lift ang public health emergency

Patuloy pa ring ipapatupad ang hybrid set-up sa Mababang Kapulungan sa pagbubukas ng 2nd regular session ng 19th Congress sa July 24.

Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, magbabalik ang face-to-face plenary session at committee hearings sa oras na i-lift ng Office of the President at Department of Health (DOH) ang public health emergency.

Binanggit ni Velasco na sa ngayon ay may komite na may mas maliit na bilang ng mga miyembro ang nagsimula ng magsagawa ng face-to-face na mga pagdinig.


Ang hybrid set up ay sinimulang ipatupad ng Kamara sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic noong 2020 kung saan pwedeng dumalo ang mga mambabatas sa pamamagitan ng tele o video conferencing sa committee hearings at plenary sessions.

Layunin ng naturang hybrid set-up na maiwasan ang pagkalat pa ng COVID-19 at upang lubos na maipatupad ang mga health protocols bilang proteksyon sa kalusugan ng bawat isa.

Facebook Comments