Kamara, magbibigay ng 1-milyong piso sa pamilya ng dalawang nasawi sa kaguluhan sa Israel

Nagpaabot ng pakikiramay si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa pamilya na naulila sa pagpanaw ng dalawang Pilipino sa kasagsagan ng kaguluhan sa Israel.

Bunsod nito ay magbibigay si Romualdez, katuwang ang Tingog Party-list, ng isang milyong piso sa pamilya ng dalawang Pilipinong nasawi dahil sa giyera sa pagitan ng Israel at Hamas militants.

Ayon kay Romualdez, maliit na halaga lang ang naturang donasyon bilang pakikisimpatya at pagsuporta sa pinagdadaanan ng pamilya ng mga biktima.


Nangako rin si Romualdez, na maghahanap ng pagkakitaan at scholarship para sa naiwang pamilya ng mga nasawi at ibayong tulong para makabangon sila mula sa nangyaring trahedya.

Kumpiyansa naman si Romualdez, na ginagawa ng pamahalaan at ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang lahat para matiyak na ligtas ang mga Pilipino sa Israel.

Facebook Comments