Kamara, magbibigay ng cash gift kay Olympic gold medalist Hidilyn Diaz, P5 million hanggang P10 million, posibleng malikom

86

Sinimulan na ng Kamara ang “pass the hat” o ambagan para magbigay ng cash gift o incentive kay Olympic gold medalist Hidilyn Diaz.

Ito ang sinabi ni Deputy Speaker Michael Romero sa ginanap na Ugnayan sa Batasan virtual media forum kung saan sa kasalukuyan ay nakalikom na sila ng P4 million mula sa iba’t ibang kongresista.

Kasama na sa halagang ito ang P200,000 mula kay Speaker Lord Allan Velasco.


Inaasahan aniya na aabot pa sa P5 million hanggang P10 million ang target na makakalap na financial incentive para kay Diaz kasunod na rin ng mga pledges o pangako ng ibang kongresista na mag-aambag din.

Si Romero naman ay may hiwalay pang P3 million na cash gift na ibibigay kay Diaz.

Sa hiwalay naman na mensahe, kinumpirma rin ni House Committee on Appropriations Chairman Eric Yap na inaayos na ng Kamara ang insentibong ipagkakaloob ng Mababang Kapulungan para kay Diaz.



Facebook Comments