Kamara, maglalabas ng resolusyon kaugnay sa pondo ng OVP kung hindi pa rin sisipot si VP Sara sa budget hearing

Umaasa pa rin ang Kamara sa pagsipot ni Vice President Sara Duterte sa pagtalakay sa budget ng Office of the Vice President (OVP).

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na ngayon ang huling araw para talakayin ang 2025 national budget kaya hihintayin pa rin nila ang pagdalo ng bise presidente.

Ayon kay Romualdez, kailangan talaga nilang resolbahin ang usaping ito bago matapos ang araw at aabangan na lamang ang susunod na kabanata.


Nakadepende rin aniya sa magiging pagtanggap at aksyon ni VP Sara ang kalalabasan ng disposisyon ng Kamara sa budget ng tanggapan nito.

Kung hindi naman aniya sisipot si VP Sara ay maglalabas ng resolusyon ang Kamara ngayong araw kaugnay rito.

Facebook Comments