Kamara, magrerekomenda ng plano para sa susunod na pangulo

Magsusumite si House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda sa susunod na pangulo ng bansa ng plano para sa pananalapi at ekonomiya ng bansa.

Ayon kay Salceda, sakaling mayroon ng iproklamang bagong pangulo ng bansa ay magsusumite ito ng comprehensive plan upang sa gayon ay maging malakas, matatag at mas matawid ang ekonomiya mula sa pagbangon sa krisis.

Ilan sa mga ipapadalang panukala sa bagong Pangulo ng bansa ay “tax plan” at “public and private investment plan”.


Susubukan ding payuhan ng mambabatas ang susunod na presidente na tutukan ang problema sa inflation, unemployment at economic growth sa unang 100 araw sa panunungkulan.

Kailangan aniyang mapatigil ang patuloy na pagtaas ng mga presyo, lumikha ng mga matatag at “well-paid jobs” at i-maximize ang potensyal ng GDP growth ng bansa.

Facebook Comments