Kamara, magsasagawa ng oversight hearing tungkol sa water crisis

Manila, Philippines – Magsasagawa ng pagdinig ang House Oversight Committee on Metro Manila Development kaugnay sa problema sa suplay ng tubig sa ilang bahagi ng Metro Manila.

Personal na dadaluhan ni House Speaker Gloria Arroyo ang nasabing hearing.

Iniutos na ni Arroyo sa oversight committee ang pagbuo ng resolusyon ngayong umaga para gamitin ang underground water o deep well bilang solusyon sa krisis sa tubig.


Aalamin din sa pagdinig kung ano ang naging sanhi ng krisis sa tubig na ilang araw ding nagpahirap sa maraming residente partikular ang mga taga east zone na sinusuplayan ng Manila Water.

Irerekomenda rin ang ilang solusyon para maiwasan ang water crisis hanggang sa Abril.

Ilan sa mga nasubukan ay ang paghina ng water pressure at pagsusuplay ng Maynilad sa mga lugar na sakop ng Manila Water na madalas nawawalan ng tubig.

Facebook Comments