Kamara, magsasagawa ng pagdinig ngayong araw ukol sa PUV modernization program

Kasado na ngayong alas-9:00 ng umaga ang pagdinig ng House Committee on Transportation ukol sa implementasyon ng Public Utility Vehicle o PUV Modernization Program.

Ilang resolusyon ang inihain sa kamara na nagsusulong ng imbestigasyon sa programa, at mga epekto nito sa sektor ng transportasyon.

Kabilang dito ang House Resolution 801 ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda; at House Resolution 816 na inihain ng Makabayan Bloc.


Inaasahang imbitado rito ang iba’t ibang stakeholders sa transportation sector, kabilang ang mga tsuper, operators, commuters, at ang mga opsiyal ng mga kaukulang ahensya ng pamahalaan tulad ng Department of Transportation (DOTr).

Facebook Comments