Kamara, magsasagawa pa rin ng mga committee hearings sa kabila ng ECQ

Magpapatuloy pa rin ang Kamara sa pagsasagawa ng mga pagdinig para sa mga panukala na may kaugnayan sa pagtugon sa COVID-19 sa kabila ng ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Pero, pagtitiyak ni House Speaker Alan Peter Cayetano, maghihigpit at susunod sila sa ipinapatupad na safety at anti-infection protocols lalo na ang social distancing.

Aniya, hindi ito ang madalas na set-up na nakikita ng publiko dahil gagawing roundtable ang talakayan at hanggang limang house members lamang ang papayagang pumasok sa committee hearing.


Hinihikayat naman ang mga kongresista na ipadala na lamang ang mensahe sa kanilang mga Committee Chairmen ang mga katanungan kapag nagsagawa ng hearing.

Paisa-isang departmento lamang din muna ang kanilang iimbitahin na hindi lalagpas sa lima ang pwedeng isama.

Nakikiusap din ito sa media na limitahan ang pagpapadala ng kanilang mga personnel para mag-cover.

Ang mga halls na pinagsasagawaan ng mga pagdinig na kayang mag-accommodate ng hanggang 200 katao ay ililimita na lamang din sa 30 hanggang 50 katao.

Facebook Comments