Kamara, makapagsisimula na sa pagtalakay sa mga priority measure sa susunod na linggo

56

Kampante si House Majority Leader Martin Romualdez na makakapagtrabaho na ng mabilis ang mga kongresista ngayong napunan na ang mga key positions sa Mababang Kapulungan.

Ayon kay Romualdez, nakahanda na sila para isalang sa deliberasyon ang mga priority measures na binanggit ni Pangulong Duterte sa kanyang SONA.

Dahil organisado na ang mga kongresista, tiyak na magfu-full blast ang mga mambabatas para madaliin ang pag-apruba sa mga panukala.


Nagbigay na rin aniya ng commitment ang liderato ng Kamara at Mayorya na magtatrabaho ng double-time para maaprubahan ang mga house bills sa itinakdang deadline.

Naniniwala rin si Romualdez na makikiisa ang Minorya sa pagpapasa ng mga legislative agenda ng pamahalaan.

Facebook Comments