Kamara, mas kailangan ng bagong pangalan sa Speakership

Tulad sa naganap na halalan noong Mayo 13 kung saan halos lahat ng mga naupo sa posisyon ay bago, ganito rin ang naging sentimyento ni Buhay Partylist Rep. Lito Atienza.

Iginiit ni Atienza na dapat bagong pangalan ang mamumuno sa Mababang Kapulungan sa 18th Congress.

Ayon kay Atienza, nakikita niyang magiging mas bukas at hindi maapektuhan ng mga nangyari sa nakaraan kung bago ang itatalaga na lider ng Kamara.


Nauna nang sinabi ni PBA Party-list Representative Jericho Nograles na dalawa na lamang ang pinagpipilian ng mga party-list congressmen para sa speakership race na sina Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ay Leyte Rep. Martin Romualdez.

Sinabi ni Atienza na si Romualdez ay kanyang kaibigan, subalit si Velasco ay “new name” na maituturing.

Facebook Comments