Kamara, masusing babantayan ang paggamit sa pambansang pondo ngayong 2025

Tiniyak ni House Committee on Appropriations Chairman at Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co na masusing babantayan ng Kamara ang paggamit sa pambansang pondo ngayong taon.

Ayon kay Co, ito ay para matiyak na magiging episyente at epektibo ang paggastos sa 2025 budget para sa kapakanan ng mamamayang Pilipino.

Una rito ay pinuri ni Co ang paglagda ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa 2025 General Appropriations Act nitong nagdaang December 30 para maiwasan ang pagkakaroon ng reenacted budget ngayong taon.


Bukod sa pangulo ay pinasalamatan din ni Co ang mga kasamahang mambabatas sa Kamara at Senado sa pagpasa sa pambansang pondo sa itinakdang panahon.

Kasabay nito ay binigyang-diin ni Co na nirerespeto ng Kamara ang pagveto ni PBBM sa ₱194 billion na halaga ng items sa 2025 budget.

Facebook Comments