Kamara, may apela sa mga anti-drugs agencies ngayong halalan

Umapela ang Kamara sa mga anti-drugs agencies na huwag magpabaya sa kampanya kontra iligal na droga sa gitna ng election campaign period.

Iginiit ni House Committee on Dangerous Drugs Chairman Ace Barbers na ngayong kampanya ay kumikilos ang mga drug lords, narco-politicians at drug dealers para paigtingin ang operasyon upang madagdagan ang ipopondo sa mga kandidatong sinusuportahan.

Nakakatanggap ang Komite ng mga reklamo na mayroong ilang drug lords ang bumibili ng impluwensya sa mga kandidato ng darating na halalan.


Bunsod nito ay nananawagan ang mambabatas sa mga opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI) at iba pang kaukulang ahensya ng gobyerno na maging aktibo pa rin sa kampanya laban sa iligal na droga kahit pa panahon ng halalan.

Dagdag pa rito, isa rin aniyang katotohanan na kinakaibigan ng drug lords ang ilang mga pulitiko at government officials para makaimpluwensya kapalit ng proteksyon sa kanilang mga iligal na gawain.

Madalas din umanong sinasamantala ng mga drug lords ang election campaign period dahil karamihan sa mga law enforcement agencies kasama ang militar ay abala at nakasentro ang atensyon sa halalan ng kanilang nasasakupan.

Facebook Comments