Kamara, muling nilinaw ang posisyon sa pederalismo

Manila, Philippines – Mariing iginiit ng liderato ng Kamara na sinusuportahan nila ang pederalismo na isinusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang reaksyon ng Kamara matapos magbanta ng giyera si Moro National Liberation Front (MNLF) founding chairman Nur Misuari kung hindi maisasakatuparan ang pederalismo.

Katwiran dito ni House Senior Deputy Majority Leader Rodante Marcoleta, suportado nilang mga kongresista ang pederalismo sa bansa sa pamamagitan ng isang constitutional process.


Giit pa nito, ginawa na ng mga kongresista ang kanilang parte sa ilalim ng liderato ni House Speaker Gloria Arroyo at ipinasa na nila ito sa Senado.

Noong nakaraang taon pa naaprubahan ang Resolution of Both Houses #15 sa botong 224 pabor, 22 na tutol at 3 abstention.

Ipinaalala naman ni Arroyo na priority legislation ng Duterte administration ang federal charter.

Facebook Comments