Kamara, nag-alay ng necrological service para kay Nueva Vizcaya Gov. Carlos Padilla

Nagsagawa ngayong araw ang mababang kapulungan ng isang “requiem mass” na nasundan ng necrological service para sa pumanaw na si Nueva Vizcaya Gov. Carlos Padilla

Bilang bahagi ng pagluluksa ay nakababa o naka-half mast din ang ang watawat ng Pilipinas dito sa Batasan Pambansa.

Si Padilla ay naging assemblyman ng Nueva Vizcaya noong Interim Batasang Pambansa.


Naging kinatawan naman sa Kamara ng Nueva Vizcaya lone district si Padilla noong ika-8, ika-10 hanggang ika-12 Kongreso, at nagbalik noong ika-14 hanggang ika-16 na Kongreso.

Sa loob ng pagseserbisyo bilang kongresista ni Padilla, siya ay naitalaga bilang House Deputy Speaker at naging Minority Leader din.

 

Kabilang sa mga batas na kasama si Padilla bilang may-akda ay ang Free High School Education Act of 1988, Philippine Nursing Act, nPhilippine Dentistry Act gayundin ang mga batas na nag-regulate sa librarian profession at lumikha sa Commission on Filipino Language.

Ini-akda rin ni Padilla ang batas na nag-convert sa Philippine Normal College bilang university at mga batas na nagtayo ng Nueva Vizcaya State University at Philippine Science High School-Cagayan Valley campus.

Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, palagi nilang maaalala si Gov. Padilla bilang isang magaling na leader at mapagkumbabang mambabatas na palaging mahinahon.

Facebook Comments