
Nagsagawa ng ocular inspection ang Kamara sa Senado para silipin ang mga pasilidad at kwartong gagamitin ng House Prosecutors para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sinamahan ni Senate Secretary Renato Bantug Jr., si House Secretary General Reginald Velasco sa paglilibot sa Mataas na Kapulungan.
Kuntento naman si Velasco sa set-up na ginawa ng Senado sa session hall na siyang gagamitin ng impeachment court.
Ayon naman kay Bantug, ang set-up na ito ay pareho lamang din sa set-up na ginawa sa impeachment trial noon laban kay dating Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona.
Muling magsasagawa ng pulong ang Senado at Kamara para sa dagdag na hiling na specifications at kwarto ng prosecution team.
Facebook Comments