Kamara, nagbigay ng $100,000 na donasyon para sa mga biktima ng lindol sa Turkey

Sa pangunguna ni House Speaker Martin Romualdez ay nagkaloob ng 100,000 dollars na donasyon ang Mababang Kapulungan para sa sa mga biktima ng lindol sa Turkey.

Sabi ni Romualdez, ang donasyon ay bilang pagtanaw ng utang na loob sa Turkey na isa sa mga bansa na unang tumulong sa Leyte at maraming bahagi ng Eastern Samar nang manalasa ang Bagyong Yolanda noong November 2013.

Ang nasabing financial assistance ay personal na ini-abot ni Speaker Romualdez kay Turkey Ambassador to the Philippines Niyazi Evren Akyol ngayong hapon.


Ang salapi ay mula sa Disaster Relief and Rehabilitation Initiative ng tanggapan ni Speaker Romualdez na magugunitang inilunsad noong ika-59 niyang kaarawan noong November 14 ng nakaraang taon.

Magugunitang unang binigyan ng tulong ng Kamara ang mga biktima ng Bagyong Paeng na umabot sa P70.72 million ang cash and pledges.

Sinundan ito ng pagtulong ng Kamara sa mga nasunugan sa Navotas at sa mga biktima ng pagbaha sa Mindanao at Visayas noong Disyembre.

Facebook Comments