Sa pangunguna ng ACT-CIS Party-list ay nagbigay ng tulong ang Kamara sa lalawigan ng Abra at Cagayan na matinding hinagupit ng Bagyong Egay.
Ayon kay ACT-CIS Party-list Representative Erwin TULFO, ipinaabot nila ang tig-4 na milyong pisong tulong sa Abra at Cagayan sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Binanggit ni Tulfo na ang Abra ang pinakamatinding tinamaan ng Bagyong Egay kung saan maraming bahay ang nasira dahil sa landslide habang ang Cagayan naman ay lumubog sa tubig-baha at maraming pananim ang nawasak.
Umaasa si Tulfo na hindi man kalakihan ang kanilang tulong, kahit papaano ay maidadagdag ito ng pamahalaang panlalawigan ng Abra at Cagayan sa kanilang pondo para makabangon mula sa matinding pinsala na dulot ng nagdaang kalamidad.