Kamara, nagbigay ng tulong sa Filipino caregiver na si Jimmy Pacheco na binihag ng Palestinian Islamist militant group na Hamas

Umaabot sa P630,000 na halaga ng tulong ang ipinagkaloob ng administrasyong Marcos at House of Representatives sa Filipino caregiver na si Jimmy Pacheco na pinalaya matapos bihagin ng Palestinian Islamist militant group na Hamas.

Pinangunahan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pagbibigay ng tulong kay Pacheco kasama ang kanyang misis at tatlong anak pati ang kanyang ina.

P500,000 halaga ng salapi ang natanggap ni Pacheco mula sa tangapan ni Romualdez, P10,000 mula sa Department of Social Welfare and Development sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situations.


Ang kanyang tatlong anak naman ay tumanggap ng P5,000 bawat isa mula pa rin sa DSWD.

Nabigyan din si Pacheco at kanyang misis ng P95,000 na livelihood assistance kung saan ang P15,000 ay sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program ng DSWD habang ang P40,000 naman ay mula sa Department of Labor and Employment na Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program.

Facebook Comments