Kamara, nagbigay ng tulong sa mga biktima ng sunog sa Ormoc City

Nakatanggap ng tulong mula sa Mababang Kapulungan ang 346 mga indibidwal o 72 pamilya na nasunugan sa Ormoc City.

Ang naturang relief operations ay pinangunahan ng tanggapan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Tingog Party-list.

Ang mga biktima ng sunog ay nakatanggap ng mosquito blankets, tsinelas, tuwalya, toiletries, at iba pang pangunahin nilang kailangan.


Ang naturang mga nasunugan ay magugunitang naging biktima rin ng lindol na tumama sa Ormoc City noong 2017 kung saan dalawa ang nasawi habang milyun-milyong halaga ng ari-arian at imprastraktura ang nasira.

Facebook Comments