Kamara, nagbigay paalala sa pagpasok ng mga empleyado sa Batasan Complex

Nagpaalala ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa mga empleyado na hindi obligadong pumasok “physically” sa Batasan.

Ito ay kasunod na rin ng pinakahuling kaso ng COVID-19 sa Kamara kung saan isang congressional staff ang nagpositibo sa sakit.

Paalala ni House Secretary General Atty. Jose Luis Montales, pumasok lamang “physically” sa Kamara kung talagang kinakailangan.


Mahigpit namang ipinagbabawal ang personal na pagrereport sa trabaho kung nakakaranas na ng sintomas ng COVID-19 sa loob ng 14 na araw.

Kapag duda naman sa nararamdaman na sakit ay i-assume o isipin na COVID-19 ito agad para mas lalong mag-ingat.

Pinayuhan din ni Montales na makabubuting isipin na may COVID-19 ang mga nakakasalamuha sa paligid upang masanay sa pag-iingat lalo na sa physical interaction.

Nilinaw rin ng Secretary General na magpapataw na ng parusa sa sinumang empleyado na lalabag sa safety at health protocols sa Mababang Kapulungan.

Facebook Comments