Inihahanda na rin ng Mababang Kapulungan ang posibleng magaganap sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 27, 2020.
Ayon kay Speaker Alan Peter Cayetano, malaking pagbabago ang gagawin gagawing “blended” ang sistema sa SONA ni Pangulong Duterte dahil pa rin sa COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Cayetano na kung sa Batasan Complex pa rin isasagawa ang SONA ay may ilang personalidad na papayagang makadalo, habang ang iba naman ay sa pamamagitan na lamang ng teleconferencing.
Maaari din aniya na sa Malacañang na lamang mismo si Pangulong Duterte maglalahad ng kanyang ulat sa bansa.
Dagdag ni Cayetano, ito ang unang pagkakataon na nangyari ito sa SONA bilang epekto na rin ng pandemya.
Facebook Comments