Kamara, naghahanda na sa pagbabalik sesyon sa lunes

Naghahanda na ang ilang mga kongresista sa muling pagbabalik ng sesyon sa susunod na Linggo.

 

Magtatagal pa ang 17th Congress ng tatlong Linggo o mula Mayo 20 hanggang sa sine die adjournment sa Hunyo 7.

 

Mula Hunyo 8 hanggang Hulyo 21 ang adjournment ng sesyon at magbabalik sa 1st regular session ng 18th Congress sa Hulyo 22 o ang ika-apat na State of the Nation Address ni Pangulong Duterte.


 

Ayon kay Assistant Majority Leader Bernadette Herrera-Dy, inihahanda na nila sa Mayorya ang mga panukala na dapat maipasa bago matapos ang 17th Congress gayundin ang mga batas na naipasa at hinihintay na lamang ng pirma ng Pangulo.

 

Ilan sa mga panukalang batas na pirma na lamang ni Pangulong Duterte ang kailangan ay ang institutionalization ng 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program, Magna Carta for the Poor, at Anti-Gender-Based Sexual Harassment Act.

Facebook Comments