Kamara, naglabas na rin ng subpoena laban kay Pastor Quiboloy

Bukod sa Senado ay naglabas na rin ng subpoena ang House of Representatives laban kay Kingdom of Jesus Christ Founder Pastor Apollo Quiboloy.

Nakasaad sa subpoena na inilabas ng tanggapan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na pinadadalo si Quiboloy na humarap sa pagdinig ng House Committee on Legislative Franchises sa darating na March 12, 1:00 ng hapon.

Nakasaad sa subpoena ang banta na kung mabibigong sumipot sa pagdinig ay papatawan ng “contempt” si Quiboloy kaakibat ang pagditine sa kanya sa Kamara.


Ang pagdinig ay ukol sa umano’y iba’t ibang paglabag ng Sonshine Media Network International (SMNI) sa prangkisa nito at alegasyon ng pagpapakalat ng maling impormasyon o “fake news.”

Facebook Comments