Buo ang pag-asa ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na lalo pang titibay ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
Mensahe ito ni Romualdez kaakibat ng kaniyang mainit na pagbati kay President-elect Donald Trump na nagwagi sa katatapos na halalan sa Estados Unidos.
Para kay Romualdez, ang pamumuno ni Trump ay naghahatid ng panibagong oportunidad na magpapa-igting ng ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika lalo na sa larangang pang-ekonomiya at pamumuhunan na pakikinabangan ng mga Pilipino.
Ikinalugod din ni Romualdez ang patuloy na suporta ng US sa counter-terrorism at pagtulong sa ating paglaban sa mga extremism group.
Facebook Comments