Kamara, nagpadala ng 33-milyong pisong halaga ng tulong sa Albay

Umaabot na sa P33 milyong piso na halaga ng tulong na salapi at relief goods ang ipinagkaloob ng Mababang Kapulungan sa mga residente sa Albay na apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.

Ang pagbibigay ng tulong sa mga Bicolano ay pinanganuhan nina House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Tingog Party-list Reps. Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre.

Nakipag-ugnayan din ang tanggapan ni Romualdez sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para maipamahagi ang 10-million pesos sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis program nito.


Bunsod nito ay pinuri nina Davao de Oro 1st District Rep. Maria Carmen Zamora at Davao Oriental 2nd District Rep. Cheeno Miguel Almario ang palaging mabilis na pagbibigay ng tulong ni Romualdez tuwing may mga kalamidad.

Tiwala sina Zamora at Almario na magpapatuloy ang pagiging action man ni Romualdez at agad na pagmamalasakit sa kanilang mga constituents tuwing may kalamidad o trahedya.

Maging si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ay wala ding duda na magtutuloy-tuloy ang magandang performance ng Kamara de Representantes sa ilalim ngpamumuno ni Speaker Romualdez.

Ayon kay Barbers, nailatag na ni Speaker Romualdez ang pundasyon ng 19th Congress na nagresulta sa pagpasa ng mahahalagang mga panukalang batas at agad ding pagtulong sa mga nangangailangan tulad ng mga biktima ng kalamidad.

Facebook Comments