Manila, Philippines – Nagtalaga na ang Mababang Kapulungan ng mga bagong lider at committee chairmen ng Kamara.
Ayon kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas, itinalaga at napagbotohan na bilang Deputy Speaker for Central Luzon si Bulacan Rep. Linabelle Villarica.
Si Villarica ay kapalit naman ni Pampanga Rep. Gloria Arroyo.
Bagong Chairman naman ng Foreign Affairs Committee si Isabela Rep. Ana Go at Chairman naman ng Civil Service and Professional Regulations si Batangas Rep. Marvey Mariño.
Matatandaang sinibak ng liderato ng Kamara ang mga Deputy Speakers at Committee Chairmen matapos na bumoto ang mga ito ng NO sa death penalty.
Facebook Comments