Pasado na sa third and final reading ng Kamara ang 12 sa 48 na priority measures ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) sa loob ng 22 session days bago mag-break ang session ng Kongreso nitong nakaraang Disyembre.
Ayon kay House Majority Leader at Ilocos Norte Representative Sandro Marcos, nagpapakita ito na sa ilalim ng pamumuno ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III ay seryoso ang Kongreso na aksiyunan ang mga priority measures ng LEDAC.
Kabilang sa 12 LEDAC measures ang mga panukalang:
• EPIRA amendments
• waste-to-energy bill
• National Center for Geriatric Health;
• amendments to the Government Assistance to Students and Teachers in Private Education Act;
• AICS) Act;
• amendments sa National Building Code;
• Blue Economy Act;
• National Reintegration Bill;
• amendments sa Teachers Professionalization Act;
• Extension ng Estate Tax Amnesty Period;
• Department of Water Resources bill; at
• amendments sa Bank Deposits Secrecy Law
Binanggit ni Marcos na umaabot naman sa 7,030 panukalang batas at 645 resolutions ang naihain kung saan 86 panukalang batas ang inaprubahan na ng Kamara.
Kaugnay nito ay hinikayat naman ni Speaker Dy ang kapwa mambabatas na ipagpapatuloy ang paglilingkod sa mamamayan sa pamamagitan ng pagpasa sa mahalagang gma panukalang batas.










