Tiniyak ni House Speaker Martin Romuadez na muling maglalabas ng pondo ang Kamara para tulungan ang mga lugar o distrito na sinalanta ng Bagyong Pepito.
Sabi ni Romuadez, inaasahang ngayon Lunes ay makakapagsumite na ng report ang mga kongresista kaugnay sa pinsalang idinulot ng kalamidad sa kanilang mga lugar.
Sabi ni Romualdez, ang pondong ilalabas ng Kamara ay para sa pagkukumpuni ng mga nasirang bahay at tulong pangkain ng mga pamilya na nawalan ng trababo o naapektuhan ng bagyo ang kabuhayan.
Samantala, alinsunod naman sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ay pinangunahan ni Romualdez ang paglulunsad ng Tabang Bikol, Tindog Oragon relief caravan katuwang si Social Welfare Secretary Rex Gatchalian.
Layunin nitong suportahan ang mga nasalantang komunidad sa Camarines Norte, Camarines Sur at Albay.
Sa naturang inisyatibo ay halos ₱750 milyong halaga ng financial assistance at 24 na trak na puno ng relief goods ang ipamimigay sa mahigit 150,000 benepisyaryo sa Bicol Region na sinalanta ng magkakasunod na Bagyong Kristine, Carina, at Pepito.