Kamara, nakahandang sumunod sa ehekutibo sa ipapatawag na special session

Tatalima ang liderato ng Kamara na sa panawagan ni Pangulong Duterte na magsagawa ng special session para sa mabilis na pag-apruba ng mga panukalang may kinalaman sa epekto at pagsugpo sa COVID-19.

Nakahanda na aniya ang Mababang Kapulungan na magconvene sakaling ipatawag na ang special session upang maipasa ang mga panukala tulad ng PHP1.6 billion supplemental budget ng Department of Health (DOH) at economic stimulus package na kailangan para tugunan ang epekto ng COVID-19.

Mahigpit rin aniyang ipatutupad ang social distancing sa emergency session na isasagawa ng Mababa at Mataas na Kapulungan.


Hinahanapan na rin aniya nila ng paraan para ang mga kasamahang kongresista na nasa kani-kanilang distrito sa malalayong probinsya ay makasama sa deliberasyon at botohan.

Samantala, kasama din sa mga nais aprubahan ng Kongreso ang panukala para luwagan ang utilization o paggamit sa ibang government funds para sa agad na pagpapatupad ng mga programa bilang tugon sa mga sektor na higit na maaapektuhan ng COVID-19.

Facebook Comments