Kamara, nakalikom na ng 13 milyong piso para sa Marawi

Manila, Philippines – Aabot na sa 13 milyong piso ang nalikom na pondo ng Mababang Kapulungan para sa mga biktima ng Marawi crisis.

Ayon kay House Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas nasa 200 mga kongresista na ang nagtulung-tulong para makaipon ng nasabing halaga, tatlong linggo matapos na ianunsyo ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang pag-aambagang gagawin ng Kamara.

Ang naipong pondo ay mula sa personal na pera ng mga mambabatas na ilalagay muna sa trust fund saka pagdedesisyunan kung paano hahatiin at ipapamahagi ang tulong.


Maliban sa mga kongresista, may ilang lokal na opisyal din ang nagbigay ng kanilang tulong pinansyal para sa mga apektado ng kaguluhan sa Marawi.

Facebook Comments